Korean Pop (K-POP): Ano-ano Ang Mga Impluwensiya Nito?
Siguro ang iilan sa inyo kilala ang mga grupong iyan, ano? 안녕하세요 ! 어떻게 지내세요 ? ㅋㅋㅋㅋ Korean Pop o simpleng, K-POP, ay isang makabagong genre ng Musika sa ngayong henerasyon. Ito ay tumutukoy sa musika ng bansang Korea na ngayon ay sumisikat na sa iba't-ibang parte ng mundo, maging dito sa Pilipinas. Kilala rin ang K-POP bilang Hallyu Wave. Ang K-POP ay isang kategorya ng musika na binubuo ng electropop, hip hop, pop, rock at R&B na nagsimula sa Timog Korea. Naging popular ang kultura nito sa mga kabataan sa buong mundo, na nagbunga ng laganap na interes sa pananamit at estilo ng mga iniidolong grupo ng mga Koreano at mga mang-aawit. Naging batid ang K-POP nang sumikat ang mga grupong Super Junior, Girls' Generation, 2NE1, Bigbang, at iba pa. Hanggang mas lalong naging popular ang K-POP sa pagdating ng idolo katulad ng BTS, EXO, Red Velvet, TWICE, BLACKPINK, atbp. Ngayon mas higit na naging popular ang K-Pop, naging impluwensiya ito sa mga kabat...