Korean Pop (K-POP): Ano-ano Ang Mga Impluwensiya Nito?





Siguro ang iilan sa inyo  kilala ang mga grupong iyan, ano?

안녕하세요어떻게 지내세요? ㅋㅋㅋㅋ 

Korean Pop o simpleng, K-POP, ay isang makabagong genre ng Musika sa ngayong henerasyon. Ito ay tumutukoy sa musika ng bansang Korea na ngayon ay sumisikat na sa iba't-ibang parte ng mundo, maging dito sa Pilipinas. Kilala rin ang K-POP bilang Hallyu Wave. Ang K-POP  ay isang kategorya ng musika na binubuo ng electropop, hip hop, pop, rock at R&B na nagsimula sa Timog Korea. Naging popular ang kultura nito sa mga kabataan sa buong mundo, na nagbunga ng laganap na interes sa pananamit at estilo ng mga iniidolong grupo ng mga Koreano at mga mang-aawit.

Naging batid ang K-POP nang sumikat ang mga grupong Super Junior, Girls' Generation, 2NE1, Bigbang, at iba pa. Hanggang mas lalong naging popular ang K-POP sa pagdating ng idolo katulad ng BTS, EXO, Red Velvet, TWICE, BLACKPINK, atbp. 

Ngayon mas higit na naging popular ang K-Pop, naging impluwensiya ito sa mga kabataan subalit iilan sa kanila ay ginagaya ang pananamit, naging mahilig sa mga pagkaing Koreano, at maging ang wikang Korean ay pinag-aaralan nila.

Pero, sa anong paraan iniimpluwensiya ng K-POP ang mga tao? Ito ba'y nakakabuti sa kanila? O ito'y nagiging balakid sa anumang aspekto?

Tinanong namin ang iba't-ibang mga tao tungkol sa sariling pananaw nila tungkol sa nasabing genre. May ilan sa kanila, sinasabing isang magandang impluwensiya para sa kanila ang K-POP. Subalit, ang iilan ay tutol na ang K-POP ay may maidudulot na mabuting impluwensiya.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa anong bagay nagiging impluwensiya  ang K-POP?

Karaniwan sa iba ay ginugusto ang KPOP dahil sa magaganda, nakaka-adik, at kakaibang melodiya sa kanilang mga kanta. Ang iba rin ay ginugusto ang KPOP dahil sa husay na talento sa pagsasayaw habang kumakanta (na siyang ikinamamangha ng iba dahil sa kanilang mahusay koreograpiya) ng mga grupo. Naaakit ang mga tao sa taglay na kagandahan at kagwapohan, at ang mga personalidad ng mga Koreano/Koreana. Tinatangkalik rin nila ito dahil bukas ang nasabing genre sa mga makabagong kultura sa larangan ng Musika.

 

Dahil sa mga naibanggit sa itaas, higit nilang tinatangkilik ang K-POP. Kaya, bilang impluwensiya, ginagaya nila ang kanilang mga estilo, personalidad, pananamit, at maging ang kanilang kultura. Ayon sa kanila, hindi isang balakid ang pagiging K-POP fan sa pagmamahal ng sariling bansa. Ito raw ay isang nagsilbing inspirasyon sa kanila. Bawat artista ay nagsilbing idolo at inspirasyon para sa kanila na siyang magsisilbing isang modelo o halimbawa sa kanilang buhay. Maliban doon, natuto rin ang mga K-POP fans na rumespeto at bigyang galang ang kultura ng ibang bansa. Natutunan at ang pinalawak nila ang kanilang perspektibo ukol sa makabagong kultura. Kapag pag-uusapan  ang talento, nagsilbing inspirasyon ito sa mga tao na dapat ipamalas sa iba ang kanilang natatanging talento na siyang Biyaya ng ating Panginoon.


Ngunit, Sa anong bagay naman nagiging masamang impluwensiya  ang K-POP?

May mga masamang impluwensiya rin ang K-POP.



Ayon sa iba, nakakalimutan ng ibang mga K-POP fans ang bansang kanilang pinanggalingan. Nakakalimutan nila ang sariling kultura dahil sa labis na pagtatangkilik sa ibang kultura. Minsan, naapektuhan din ang pag-aaral (depende sa sitwasyon) ng mga K-POP fans dahil sa kanilang sobrang pagmamahal nito.









Pagdating sa fangirling o fanboying, may iba nga na kulang nalang iiwanan at kakalimutan nila lahat-lahat sa kanilang buhay dahil sa sobrang pagnanais nilang makapunta, at makita ang kanilang mga idolo, o mas sasabihin nating, bias. May ibang mga fans na naging Sasaeng (o mga fans na sobrang desperado sa kanilang nais sa kanilang mga bias), siguro mahirap naman diba isipin na kahit pupunta ang  mga miyembro ng BTS o di kaya EXO sa CR, ay susundin nila. Hindi naman maitatanggi ng ibang KPOP fans na, talagang magaganda at gugwapo ng mga idolong iyon, subalit, may ibang umabot sa punto na nais nilang pakasalan at maging asawa ang kanilang mga bias. Ang lupit, diba? Butas nga ang bulsa sa iba sa kanilang paging desperadong makabili ng albumo makapunta sa concert.







Dahil na rin sa mga tinatawag na fanwars, may ibang mga pagkakaibigan ang nawawasak.


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Hindi naman masama na maging isang K-POP fan. Subalit, bigyan lamang ng limitasyon ang pagiging isang fan sa kaniyang gagawin. Kung tayo ay may disiplina sa ating sarili, hindi aabot sa punto na tayo ay masisira dahil lamang sa pagmamangha nito. Oo, may mabuting naidudulot ang K-POP sa mga tao, pero isipin natin ang ating kinahinatnan kung tayo ay magmamalabis. Ayaw niyong maging isang Sasaeng, diba? At siyempre, namamangha ang mga Koreano/ Koreana dahil sa pagiging palasuporta, at pagkaroon ng Pusong Mamon ang mga Pilipino. Taglay rin ng isang Pilipino ang mga mabubuting ugali, at mismo ang mga kultura na siyang ikinamamangha at ikinakatuwa ng mga Koreano. Higit sa lahat, magsilbi sanang tulay para magka-isa at makipagsalamuha ang mga tao kahit anumang lahi, relihiyon, o kultura ang meron sila, ang mga ugnayan ng mga bansa (dahil na rin sa Globalisasyon) para na rin sa maging payapa, maging magka-isa ang lahat na naninirahan dito sa daigdig.

Comments

Popular posts from this blog

170324 | #1

Korean Pop (K-POP): Ano-ano Ang Mga Impluwensiya Nito?